Friday, May 9, 2014

Mga Pakshet na Grasang TSEKWA!

Sukdulan na talaga ang GALIT ko sa mga pakshet na Tsekwang POACHERS na ito! Palibhasa alam nila na ipagta-tanggol sila ng gubyerno nilang Maoista ay sige lang sila ng sige sa pagnakaw ng mga yamang dagat ng Pilipinas at ibang bansa sa Southeast Asia.

Ngayon, may nahuli na naman tayong mga iligal na Tsekwang mangingisda at nabuking ang cargo nilang daan-daang mga kinatay na Pawikan.





Tapos ang kapal ng mukha ng gubyerno ng Tsina na mag-demand na pakawalan daw natin agad ang kanilang mga mangingisda! Anak ng P#@&*^$3 nilang lahat! 

Kung ako lang ang masusunod, babalatan ko yung mga Tsekwang nahuli natin at lalagyan ng stuffing bago isoli sa bansa nila. PWEH!




Wednesday, March 26, 2014

Mga Grasang Maoista at Stalinista!

Ibang level na talaga ang kabastusan ng mga mokong na 'to! Akalain niyo, yung "peace" festival ng mga kapatid nating Moro sa Mendiola eh biglang ginulo ng mga Maoista at Stalinistang mga rallyistang ito! Ambabastos, 'di ba?!

Tapos and sigaw pa nila eh "Sagot sa Kahirapan, Digmang Bayan" daw! PEACE Rally nga eh, mga gago! "Digmang Bayan" n'yo mukha n'yo!


Ayan tuloy ang inabot n'yo. Na-digmang bayan kayo ng mga binastos ninyong Moro!

Buti nga! Pweh!

Wednesday, July 31, 2013

Grasang Scammer!

Huli na, nagma-matigas pa rin! Buking na, nagma-malinis pa rin! Itong Grasang Scammer na ito yata ang tinutukoy ni PNoy nang nagparinig ito sa kanyang SONA speech na "Saan Niyo Kinukuha yung Kapal ng Mukha Ninyo?!"


At hindi lang ang Ina ang makapal... minana din ng kanyang anak ang kanyang ugali! Ipinangangalandakan pa ng hitad ang nakaw na yaman nila sa Internet.


Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit hindi siniseryoso ng mga tao ang kahit anong "anti-corruption" na programa ng kahit aling administrasyon. 

HINDI KASI NAPAPARUSAHAN ANG MGA TAONG GANITO!

Friday, June 7, 2013

Grasang Survey. Anlabo.

OK. so marami-rami din ang bumoto sa pa-survey ko na 'to. Ang problema... di ko ma-gets kung ano ibig sabihin ng naging resulta. Ano ba kasi ang ibig sabihin ng "Magrasang Senatoriable"? 

At bakit sina Mitos at Migz ang nag-tie?

:-(


Tuesday, April 9, 2013

Grasang Kultistang Power-Broker Kuno!

Mukhang hindi na naka-tiis itong si Epal Evangelist na mukhang Gameshow Host na si Mike Velarde. Gusto nang umeksena sa pulitika. 'Di na nakuntento na may sarili silang Party-list, gusto bang magpayabang sa pamamagitan ng pag-endorso ng mga Senatorial Candidates na Anti-RH.

Halata namang na-inggit lang sa CBCP kasi laging nami-media ang mga mokong na 'yun gawa ng kanilang "Team Patay vs. Team Buhay" na kalokohan. Palibhasa, laging late-night TV na lang ang slot ng kanyang kulto.

O siya siya! Pagbigyan ang hilig!

Tingnan nga natin kung ilan sa mga Anti-RH na Senatoriables na ie-endorso niya ang lulusot sa taong-bayan. O baka naman segurista ka, Bradder? Yung mga Senatoriables na mataas na sa Survey lang ang ie-endorso mo at dedma na dun sa ibang kagaya mo na crackpot?!

Thursday, March 7, 2013

Grasang Imperyalisytang Ingles

Siya po! Siya ang may kasalanan kung bakit hindi matapos-tapos ang agawan sa Sabah ng Pilipinas at Malaysia.


Si Alfred Dent, ang nagtayo ng British North Borneo Company, na noo'y namamahala sa North Borneo nang ito'y bahagi pa ng kolonya ng Inglatera. Siya rin ang nagbuyo sa nakaupong Sultan ng Sulu, si Jamalul Kiram I, upang pumayag sa agreement na "ipa-upa" o "ipa-ubaya" (depende na kung sino ang tatanungin mo) ang nasabing teritoryo sa kanyang kumpanya.


Dahil sa Grasang paki-alamerong Ingles na ito, anlaking lupain tuloy ang nawala sa atin :-(


Ang dapat sayo lunurin sa isang drum ng Palm Oil, hetot ka!


Tuesday, January 22, 2013