Showing posts with label injustice. Show all posts
Showing posts with label injustice. Show all posts

Friday, May 9, 2014

Mga Pakshet na Grasang TSEKWA!

Sukdulan na talaga ang GALIT ko sa mga pakshet na Tsekwang POACHERS na ito! Palibhasa alam nila na ipagta-tanggol sila ng gubyerno nilang Maoista ay sige lang sila ng sige sa pagnakaw ng mga yamang dagat ng Pilipinas at ibang bansa sa Southeast Asia.

Ngayon, may nahuli na naman tayong mga iligal na Tsekwang mangingisda at nabuking ang cargo nilang daan-daang mga kinatay na Pawikan.





Tapos ang kapal ng mukha ng gubyerno ng Tsina na mag-demand na pakawalan daw natin agad ang kanilang mga mangingisda! Anak ng P#@&*^$3 nilang lahat! 

Kung ako lang ang masusunod, babalatan ko yung mga Tsekwang nahuli natin at lalagyan ng stuffing bago isoli sa bansa nila. PWEH!




Wednesday, July 31, 2013

Grasang Scammer!

Huli na, nagma-matigas pa rin! Buking na, nagma-malinis pa rin! Itong Grasang Scammer na ito yata ang tinutukoy ni PNoy nang nagparinig ito sa kanyang SONA speech na "Saan Niyo Kinukuha yung Kapal ng Mukha Ninyo?!"


At hindi lang ang Ina ang makapal... minana din ng kanyang anak ang kanyang ugali! Ipinangangalandakan pa ng hitad ang nakaw na yaman nila sa Internet.


Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit hindi siniseryoso ng mga tao ang kahit anong "anti-corruption" na programa ng kahit aling administrasyon. 

HINDI KASI NAPAPARUSAHAN ANG MGA TAONG GANITO!

Wednesday, December 28, 2011

Grasang ANAY!

Ang turing ng iba sa mga alipores na ikinalat ni Gloria sa burukrasya (gamit ang walang pakundangang pagmidnight-appointment) ay "landmines."

May katuwiran... andun nga naman sila para biglang sumabog (prumotekta sa kanilang Amo) kapag may mag-tangkang imbestigahan, litisin o ikulong si Gloria, ang kanyang Pamilya o ang kanyang mga chuwariwaps.

Pero ibang klase 'tong isang 'to. Di lang siya simpleng "landmine." Mas malaking sakuna ang kaya niyang idulot -- kaya kasi niyang durugin ang pagkaka-isa ng tatlong sangay ng pamahalaan -- ang ehekutibo, lehislatura at hudikatura.

In short, kaya niyang durugin ang demokrasya!

Kaya layas! Anay! Layas!


Monday, October 17, 2011

Grasang SAKIM sa kita!

Wakanga! Pati ba naman sa negosyong ito ay gusto mo tubong lugaw pa din?! Aba... aba... aba, Lucio! Sumusobra ka na! Lahat tinipid mo -- sweldo, benepisyo, kontrata. Ngayon, pati kaligtasan ng mga pasaherong pinagkaka-kitaan mo, tinitipid mo din?!

Mahiya ka oy! Ibalik mo yung mga matitinong empleyadong pinalitan mo ng mga mumurahing bagito! Sakim!


PALagi gusto laki kita...

PALagi tinitipid ang puhunan...

PALaging empleyado'y ginugulangan...

PALagi na lang pinagbibigyan...

PALayasin na nga 'tong hayop na 'to!

Thursday, August 25, 2011

SEXIST na Grasa!

Hindi ka na nakakatawa, Mister Senator! No laughing matter ang peligrong pinagdadaanan ng mga mahihirap na Pinay dahil lang sa kakulangan sa reproductive health services! Sino ba talaga ang nire-represent mo sa Senado? Whose interests are in your heart?! You profess to love the "Masa" yet you thumb your nose at the RH Bill?! 

Sino talaga ang love mo, Titosen? Ang masa... o ang Santo Papa?!

What do you have to say for yourself?!


Kaya pala. Haays...

Wednesday, June 22, 2011

Grasang Regional (na wannabe Global) Bully!

Kakaiba rin talaga ang China, ano? Sila na ang mali, sila pa ang galit!

Kung buhay siguro si Confucius ngayon eh iiling-iling niyang hinihimas ang kanyang balbas habang binabasa ang balita tungkol sa panghihimasok ng mga kababayan niya sa teritoryo ng Pilipinas.

Whatta buncha effing BULLIES!

Hoy mga tukmol, sumibat na kayo d'yan! Amin yan!
It's called the "SpRatlys," you bastards, not the "SpLatlys!" 
Tsupii!

Wednesday, April 27, 2011

Grasang Holier than thou!

Anak ng powteks talaga 'tong mga Obispong ito. Akala mo kung sino! Sila na ang pinaka-magaling! Sila na ang palaging tama! Sila lang ang may alam sa kung ano talaga ang "TOTOO"... at kung magkamali kang kontrahin ang turo nila, yari ka! Buhay ka pa, itinatapon ka na nila sa Impyerno.


Haaays... Hindi na tuloy ako nagtataka kung bakit nung nangyari yung Spanish Civil War ay unang niyari ng mga Republikanong Kastila yung mga abusado nilang Kura Paroko.

[EXCERPT SA WIKIPEDIA LINK: An estimated 55,000 civilians died in Republican-held territories. The Republican government was anticlerical and supporters attacked and murdered Roman Catholic clergy in reaction to news of the military revolt. In Republican held territories, Roman Catholic churches, convents, monasteries, and cemeteries were desecrated. Through the war, nearly all segments of the Republicans, Basques being a notable exception, took part in semi-organized anti-Roman Catholic, anticlerical killing of 6,832 members of the Catholic clergy and religious orders (including 13 bishops, 4,172 priests, 2,364 monks and friars, and 283 nuns). By the end of the war 20 percent of the nation's clergy had been killed.]

Buti na lang at hindi tayo katulad ng mga Kastila.

Then again... I could be wrong.

Tuesday, December 14, 2010

Dumating na ang Panahon! Unleash your inner Taong-Grasa!

Mga kapatid sa kagrasahan, the time is finally upon us!

Nagsalita na ang mga Henyong pakalat-kalat d'yan sa gilid-gilid -- everything is in place na daw. The bases are loaded already, ani nila. The Golden "An" is in the Tan Van... kaya kailangan na itong kalusin!

Tang-ina... expired na yata yung grasang sininghot ng mga loko.

Pero wala ngang duda... lumabas na ang senyales na matagal nang hinihintay ng mga Taong-Grasa sa Pilipinas!

Ang palatandaan na naghuhudyat sa papalapit na pagka-windang ng mundo!!

Ang go-signal para simulan na ng lahat na mag-pahid ng grasa sa katawan... magsuot ng gula-gulanit na damit... kumain mula sa basurahan... gumala sa kalsada ng wala namang pupuntahan... makipag-kwentuhan sa mga aliens... maghubad sa gitna ng mataong intersection... in short, ang maging tunay na malaya.

Kaya simulan na ang transformation! Pagkat...

LUMAYA NA SI HUBERT WEBB!