Obvious naman kung anong gamit ang mahahanap nila sa naunang tatlong bagay, pero para sa lumang dental floss? Hmmm… wag pong ismolin ang creativity ng ating mga kapatid… may gamit pa din ang lumang dental floss!
- Palamuti sa katawan: pwedeng gawing necklace, bracelet o panali ng buhok ang mga gamit na dental floss… lalo kung pagsasama-samahin o paghahalu-haluin yung magkakaibang kulay… rastang-rasta ang dating! Pwede ring hair-extensions ito….Jolina Grasa ang labas mo!
- Pantahi sa sugat: kung napapaaway ang mga ka-tropang taong-grasa sa ibang tribong kalye at sila’y minalas na nasugatan, pwedeng gamiting pantahi ng sugat ang mga napulot na lumang dental floss… ibang usapin na kung ano ang gagamitin nila bilang karayom.
- Pantahi sa tastas na damit: pero bihira lang itong mangyari dahil una, bihira sa mga taong-grasa ang may karayom at, pangalawa, bihira sa mga taong-grasa ang may damit… at kung sakaling may tastas man ang damit ay hindi nila ito aayusin kasi kasama ito sa kanilang “Pretty/Pogi Grasa Points”
- Pang-silo ng mga ligaw na hayop sa kalye: opo, nagagamit ng taong-grasa ang lumang dental floss sa pag-hunting ng kanilang paboritong wild “city animals” tulad ng pusakal (pusang kalye) at dagang estero… wag lang nilang subukang siluin ang mga buhay na tosino (askal na matindi na ang galis) at baka mapagti ang dental floss.
- Pamingwit ng mga isdang kanal: kung sawa na ang taong-grasa sa kaning pulot at pagpag na manok at minamalas naman siya at walang mahuling hayop-kalye, pwede siyang mamingwit ng isda sa mga estero at kanal ng syudad… dental floss ang saktong gamitin para dito… at di na nila kailangan ng pamain kasi built-in na ito sa dental floss… sima na lang ang kailangan nilang iskorin.
- Pang-aliw sa sarili: pwedeng gamitin ang lumang dental floss sa pagpapalipad ng saranggola… pero matagal-tagal ang pag-iipon ng lumang dental floss para makabuo ng mahabang tali… kung hindi’y boka-boka lang mapapalipad mo, hingi guryon. Pwede ring itali sa laruang kotse-kotse ang lumang dental floss para mahatak mo ito sa iyong paglalakbay sa lansangan…
- Pang-likha ng musika: konting lata… konting sanga… konting gamit na dental floss (na magkakaiba ng taba para magkakaiba din ang tunog)… konting pukpok… konting tali… AYUS!!! Meron ka nang musical instrument na kung tawagin ay “Ukelikele” (Ukelele na amoy kili-kili)
- Pang-bigkis, panali ng kung anu-anong bagay: bagay na gamitin ang lumang dental floss na panali ng garbage bag o anumang plastik na nilalagyan ng taong-grasa ng kanyang mga napulot sa kalsada. Pwede rin itong pang-reinforce sa mga kariton kung sakaling medyo gume-gewang na sa katandaan…
- Pang-tali sa alagang aso, pusa, o daga: sanay mang mag-isa ang taong-grasa, minsan ay may mga alaga rin silang hayop. Bagay na bagay ang lumang dental floss na panali ng askal, pusakal at esdag (estero-daga) na gusto nilang alagaan. Yan ay kung hindi nila trip chibugin yung animal…
- Pang-linis ng Ngipin: obvious ba? Dental Floss nga e! Shempre, pwede pa din siyang gamiting pang-floss ng ipen! At mas maswerte nga ang mga taong-grasa kasi di lang dalawa (mentol o original) ang flavor ng Dental Floss nila, depende ito sa kung anong kinain nung huling gumamit. Kaya pwedeng adobo flavor, dinuguan flavor, binagoongan flavor, atbp! Tsalaaaap… penge ngang kanin! J
No comments:
Post a Comment