Tuesday, December 11, 2012

Mommy Grasa!

Dyuspupayang sabay-sabay naman, Mommy! Malungkot na nga ang sambayanan sa pagkatalo ng iyong anak e palalalain mo pa lalo ang sitwasyon?! Mula sa "sino ang may mas magaling na boxing skills" eh napunta bigla sa "alin ang mas tamang relihiyon" ang debate?!

Ang ibig mo bang sabihin ay mas supportive sa boxing ang diyos ng mga Katoliko kaysa sa diyos ng mga Kristiyano?!

Hnlabo mo, Mommy D. Lang kwenta. Ang masasabi ko lang sa hirit mo ay... 
MALASWA! MALASWA!! MALASWA!!!

Tuesday, October 30, 2012

Taong-Grasa ma'y nangangarap din.

Mahirap talaga ang buhay nowadays... at parang mas pahirap pa ito ng pahirap as the years go by. Tuloy, parang mas mahirap na ang mangarap ngayon... alam mo kasi na mas matinding pagpupursigi ang kakailanganin bago ka maka-angat sa buhay.

Pero, all the same, hindi pa rin bawal ang mangarap, tama?! Kahit sa isang hamak na taong-grasang tulad ko...

Haaays... ang lambot ng sopa... :-)


Thursday, October 11, 2012

Mga Grasang Pari

Nawindang talaga ako nung nabasa yung October 2012 issue ng National Geographic. Blood Ivory ang cover article. Akala ko kasi mga poachers ang babanatan nung NG reporter... yun pala damay ang Pilipinas!

Heto kasing Grasang Pari na 'to... pedophile na, smuggler pa! At proud pa talaga siya! Tinuruan pa yung undercover reporter kung paano ipupuslit ang isang imahe ng "Sto. Nino" papuntang America.


Paano daw ang magandang istilo ng pag-smuggle? Ibalot daw sa maruming briefs yung santo! Ganyan ba niya tina-trato ang mahal na "Sto. Nino"?!

Sabi pa ng isang Pari, kahit daw galing sa masama yung Ivory, nagiging banal naman daw kapag ginawang santo na. Kaya OK lang daw.

Tama ba 'yun?! Kaya pala madali nilang naipag-tatanggol yung pag-tanggap nila ng "donasyon" galing sa Jueteng.


Anong klaseng mga Pari ito?! Nakakahiya! Nakakasuka! Nakaka-galit! Pweh!

Monday, August 6, 2012

Grasang Slogan!

Geddemit naman talaga, mga kapatid! Ayus-ayusin n'yo naman ang mga pipiliin n'yong slogan! Dapat yung hindi na kailangan pang ipaliwanag sa mga makakabasa dito.


Eh paano kung biglang napa-isip yung drayber ng bus, o taxi, o kotseng dumadaan kung ano talaga ang ibig sabihin ng "SAVED SEX" tapos nabangga siya at namatay (o nakapatay)?! Pa'no ngayon yan?!

Gawain ba yan ng isang totoong "Pro-Life" na grupo?!

Hnlalabo nyo.

Tuesday, June 26, 2012

Komunistang Grasa! Duwag naman pala. Pweh.

Ok na sana eh... napa-bilib mo na sana ako, Cong Mong. Kaso, ambilis mong tumupi. Natakot ka kaagad sa bantang impiyerno ng mga Obispo. Binawi mo agad ang ma-angas mong panukala!

Akalain mo 'yun? Gusto mong ipagbawal ang Diyos sa mga pampublikong opisina at paaralan sa isang napaka-relihiyosong bansang gaya ng Pilipinas? Lupet!

Kaso wala din. May iba lang palang adyenda. 

Gusto mo lang palitan ang mga lumang diyos at palitan ng bago.

Tsk. Kahiya. Bulok!


Monday, June 11, 2012

Grasang Promoter! Pweh.


Napa-ikot mo na naman ang ulo ng mga tao, Bob! Ang galing mo talaga! Parang ikaw pa ang nabigla!

Great acting... especially when you took the podium during the post-fight presscon and claimed you had absolutely no idea what was going on inside the minds of the boxing coaches...

Puhlease! I know you know what those judges were thinking. Lalu na't may kinalaman ka sa ginawa nila! 

Malaki ang kita sa Pacquiao-Morales 1, 2 and 3!

Malaki ang kita sa Pacquiao-Marquez 1, 2 and 3!

Malaki ang kita sa Pacquiao-Barrera 1 and 2!

NATURAL... MALAKI DIN ANG KITA SA PACQUIAO-BRADLEY 1 and 2!

Ang tanong, isasagad mo ba hanggang 3?!


'ayup kah!


Sunday, May 13, 2012

Grasang Journalist! Alyas "Teddyboy Wormtongue, Jr."

Kakaiba talaga kapag nalunod na sa sariling bumubulwak na ego ang isang journalist. Nakakalimutan na ang ethics na dating ipinagtatanggol at nag-aastang "untouchable media god" na... beyond all rules... beyond all accountability for their actions.

Gaya nitong Grasang Teddy Boy Locsin, Jr. na ito.


Gusto ba namang ipapatay ang lahat ng miyembro ng partidong Akbayan kapag sinaktan daw ng mga Tsekwa ang mga OFWs sa Tsina!


Bakit daw? Dahil lang nag-protesta ang mga taga-Akbayan sa tapat ng Chinese Consulate sa Makati para ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa Scarborough Shoal na inaangkin ng mga Tsekwa!

Tama ba yun?! Gago ba siya?!

Sino namang engot ang maniniwala na kapakanan ng mga OFWs sa Tsina ang iniisip nitong grasang journalist na 'to? Skyusmi noh! Lokohin mo ang lelong mong hindi Pinoy!

Ang sabihin mo, Teddyboy Locsin, Jr., natatakot ka lang at baka sumabit ang mga NEGOSYO at iba pang PANSARILING INTERES mo at ng pamilya mo sa Tsina!

Pakyu, Mister Half-Tsekwa, Half-Kastilaloy, All-Amboy, Teddy Boy!

Magkape nga tayo sa Warehouse minsan! Buset.

Thursday, April 19, 2012

Grasang Adik! Kung sino ka mang hayup ka... masagasaan ka sana!

Bad trip. Tahimik kang nakaupo sa bus... nagmumuni-muni tungkol sa araw na kakatapos pa lang... iniisip ang trabaho kinabukasan... tapos biglang MABABASAG yung bintana sa tabi mo kasi binato ng ADIK na nagti-trip sa Commonwealth Ave!


Paksheet kang niggabeech kang adik ka! Inguso ka sana ng asset ng pulis.

Tuesday, February 28, 2012

Grasang Idol!

Iba talaga pag pinagpala kang nilalang. Walang duda, money just doesn't talk... it buys a lot of things! Eroplano, submarino, daan-daang panabong na manok, dose-dosenang bahay at lupa (sa Pinas at abroad), gusali, apartments, VIP tickets sa lahat ng events, first-class plane tickets sa kahit anong biyahe, bullet-proof cars and vans, famous friends, powerful patrons, primera-klaseng alak, timba-timbang chips sa casino, etc... etc... etc...

Pero ang da best, money buys a lot of babes! Woohoo! Party, Chavit! Par-tey!!


Ang tanong, sino ang kumuha ng litrato? Parang naririnig ko lang sa background... "Chavit! Para sayo ang piktyur na to!" :-)

Wednesday, February 8, 2012

Abogadang de Grasanilla?

Dati ayaw mo sa kanya... ngayon, KLIYENTE mo na siya?! Ewan ko sa inyo ha, pero sa amin may tawag sa ganito -- SALAWAHAN!

shame... shame... shame...


Saturday, January 7, 2012

Grasang NAZI

Wa 'ko ma-sey dito kay Atty. Topakio, kakaiba talaga. Parang hayok na hayok sa atensyon. Pa'no ba naman, di yata nagkasya sa kontrobersyal niyang pag-pusta ng isang betlog (kung di daw babalik sa Pinas ang kliyente n'yang si Gloring).

Humirit ng isa pa ang mokong... idol daw niya si Hitler! At wala daw katotohanan na iniutos ng kanyang idol na lipulin ang lahat ng mga Hudyo sa Alemanya at sa lahat ng bansang nasakop nito nung WW2.

Holocaust-denier ang loko!


Ang di niya alam, kung nagkataong buhay siya nung kapanahunan ng idol niya... isa siya sa mga unang ipinapatay nun! Galit kasi si Hitler sa mga kapwa niyang may-topak.