Tuesday, April 9, 2013

Grasang Kultistang Power-Broker Kuno!

Mukhang hindi na naka-tiis itong si Epal Evangelist na mukhang Gameshow Host na si Mike Velarde. Gusto nang umeksena sa pulitika. 'Di na nakuntento na may sarili silang Party-list, gusto bang magpayabang sa pamamagitan ng pag-endorso ng mga Senatorial Candidates na Anti-RH.

Halata namang na-inggit lang sa CBCP kasi laging nami-media ang mga mokong na 'yun gawa ng kanilang "Team Patay vs. Team Buhay" na kalokohan. Palibhasa, laging late-night TV na lang ang slot ng kanyang kulto.

O siya siya! Pagbigyan ang hilig!

Tingnan nga natin kung ilan sa mga Anti-RH na Senatoriables na ie-endorso niya ang lulusot sa taong-bayan. O baka naman segurista ka, Bradder? Yung mga Senatoriables na mataas na sa Survey lang ang ie-endorso mo at dedma na dun sa ibang kagaya mo na crackpot?!

Thursday, March 7, 2013

Grasang Imperyalisytang Ingles

Siya po! Siya ang may kasalanan kung bakit hindi matapos-tapos ang agawan sa Sabah ng Pilipinas at Malaysia.


Si Alfred Dent, ang nagtayo ng British North Borneo Company, na noo'y namamahala sa North Borneo nang ito'y bahagi pa ng kolonya ng Inglatera. Siya rin ang nagbuyo sa nakaupong Sultan ng Sulu, si Jamalul Kiram I, upang pumayag sa agreement na "ipa-upa" o "ipa-ubaya" (depende na kung sino ang tatanungin mo) ang nasabing teritoryo sa kanyang kumpanya.


Dahil sa Grasang paki-alamerong Ingles na ito, anlaking lupain tuloy ang nawala sa atin :-(


Ang dapat sayo lunurin sa isang drum ng Palm Oil, hetot ka!


Tuesday, January 22, 2013

Monday, January 7, 2013

Literal na Taong-Grasa.

Palagi na lang kasing hinahanapan kung ano ang mga pwedeng ibig sabihin kapag tinawag ang isang tao na "Taong-Grasa"... andyan yung siya'y gahaman, adik, manyak, makapal ang mukha, dorobo, epal, smuggler, pedophile, ipokrito, plunderer, mamamatay-tao, mamamatay-hayop, atbp.

Pero pwede namang literal, di ba?

Tulad niya... isang Happy na Taong-Grasa

Happy New Year y Muchas Grasas a todos! 


Tuesday, December 11, 2012

Mommy Grasa!

Dyuspupayang sabay-sabay naman, Mommy! Malungkot na nga ang sambayanan sa pagkatalo ng iyong anak e palalalain mo pa lalo ang sitwasyon?! Mula sa "sino ang may mas magaling na boxing skills" eh napunta bigla sa "alin ang mas tamang relihiyon" ang debate?!

Ang ibig mo bang sabihin ay mas supportive sa boxing ang diyos ng mga Katoliko kaysa sa diyos ng mga Kristiyano?!

Hnlabo mo, Mommy D. Lang kwenta. Ang masasabi ko lang sa hirit mo ay... 
MALASWA! MALASWA!! MALASWA!!!

Tuesday, October 30, 2012

Taong-Grasa ma'y nangangarap din.

Mahirap talaga ang buhay nowadays... at parang mas pahirap pa ito ng pahirap as the years go by. Tuloy, parang mas mahirap na ang mangarap ngayon... alam mo kasi na mas matinding pagpupursigi ang kakailanganin bago ka maka-angat sa buhay.

Pero, all the same, hindi pa rin bawal ang mangarap, tama?! Kahit sa isang hamak na taong-grasang tulad ko...

Haaays... ang lambot ng sopa... :-)


Thursday, October 11, 2012

Mga Grasang Pari

Nawindang talaga ako nung nabasa yung October 2012 issue ng National Geographic. Blood Ivory ang cover article. Akala ko kasi mga poachers ang babanatan nung NG reporter... yun pala damay ang Pilipinas!

Heto kasing Grasang Pari na 'to... pedophile na, smuggler pa! At proud pa talaga siya! Tinuruan pa yung undercover reporter kung paano ipupuslit ang isang imahe ng "Sto. Nino" papuntang America.


Paano daw ang magandang istilo ng pag-smuggle? Ibalot daw sa maruming briefs yung santo! Ganyan ba niya tina-trato ang mahal na "Sto. Nino"?!

Sabi pa ng isang Pari, kahit daw galing sa masama yung Ivory, nagiging banal naman daw kapag ginawang santo na. Kaya OK lang daw.

Tama ba 'yun?! Kaya pala madali nilang naipag-tatanggol yung pag-tanggap nila ng "donasyon" galing sa Jueteng.


Anong klaseng mga Pari ito?! Nakakahiya! Nakakasuka! Nakaka-galit! Pweh!