Wednesday, December 28, 2011

Grasang ANAY!

Ang turing ng iba sa mga alipores na ikinalat ni Gloria sa burukrasya (gamit ang walang pakundangang pagmidnight-appointment) ay "landmines."

May katuwiran... andun nga naman sila para biglang sumabog (prumotekta sa kanilang Amo) kapag may mag-tangkang imbestigahan, litisin o ikulong si Gloria, ang kanyang Pamilya o ang kanyang mga chuwariwaps.

Pero ibang klase 'tong isang 'to. Di lang siya simpleng "landmine." Mas malaking sakuna ang kaya niyang idulot -- kaya kasi niyang durugin ang pagkaka-isa ng tatlong sangay ng pamahalaan -- ang ehekutibo, lehislatura at hudikatura.

In short, kaya niyang durugin ang demokrasya!

Kaya layas! Anay! Layas!


Wednesday, November 9, 2011

Sino ang mas GRASA sa dalawa?! You decide.

Basta ang alam ko, kung ako ang tatanungin... walang tulak-kabigin sa dalawang ito.

Parehong gahaman (yung isa sa pera at kapangyarihan habang yung isa naman sa atay at balun-balunan!)


Monday, October 17, 2011

Grasang SAKIM sa kita!

Wakanga! Pati ba naman sa negosyong ito ay gusto mo tubong lugaw pa din?! Aba... aba... aba, Lucio! Sumusobra ka na! Lahat tinipid mo -- sweldo, benepisyo, kontrata. Ngayon, pati kaligtasan ng mga pasaherong pinagkaka-kitaan mo, tinitipid mo din?!

Mahiya ka oy! Ibalik mo yung mga matitinong empleyadong pinalitan mo ng mga mumurahing bagito! Sakim!


PALagi gusto laki kita...

PALagi tinitipid ang puhunan...

PALaging empleyado'y ginugulangan...

PALagi na lang pinagbibigyan...

PALayasin na nga 'tong hayop na 'to!

Thursday, September 29, 2011

Grasang Buking na... Galit pa!

Anlupet din talaga nitong si Kumisyuner Abalos! Nung na-interbyu siya ng isang TV program dati, humirit ba naman na "bakit ba gina-glamorize ng Media yung mga whistleblowers?"

Ganun?! Galit ka, Coya? Parang indignant ka kasi eh... tipong nagmamalinis baga.

Kasi naman, Kumisyuner, sa tono ng interbyu mo e parang hindi nangyari ang mga ISKANDALO sa buhay mo... ang NBN-ZTE Payola na nakipag-golf ka pa nga sa China... ang bilyones na Mega-Pacific Deal na pinayagan mo kahit maanomalya... at, lest you forgot... si GARCI!

Hello, Kumisyoner? OK ka lang?! Kapaaal!

Grasang-grasa talaga ang dating.

Thursday, August 25, 2011

SEXIST na Grasa!

Hindi ka na nakakatawa, Mister Senator! No laughing matter ang peligrong pinagdadaanan ng mga mahihirap na Pinay dahil lang sa kakulangan sa reproductive health services! Sino ba talaga ang nire-represent mo sa Senado? Whose interests are in your heart?! You profess to love the "Masa" yet you thumb your nose at the RH Bill?! 

Sino talaga ang love mo, Titosen? Ang masa... o ang Santo Papa?!

What do you have to say for yourself?!


Kaya pala. Haays...

Friday, August 12, 2011

La Ultima Grasa!

Sa tanang buhay ko, wala pa akong na-encounter na ganito ka-tigas na grasa! Kahit pagsama-samahin mo pa ang ka-grasahan ng asawa't mga anak niya (na mga matindi din ang ka-grasahan), panis pa din kumpara sa kanya!

Gloria... the Mother of All Grasas!

Plakpakan naman 'dyan! :-)

Wednesday, June 22, 2011

Grasang Regional (na wannabe Global) Bully!

Kakaiba rin talaga ang China, ano? Sila na ang mali, sila pa ang galit!

Kung buhay siguro si Confucius ngayon eh iiling-iling niyang hinihimas ang kanyang balbas habang binabasa ang balita tungkol sa panghihimasok ng mga kababayan niya sa teritoryo ng Pilipinas.

Whatta buncha effing BULLIES!

Hoy mga tukmol, sumibat na kayo d'yan! Amin yan!
It's called the "SpRatlys," you bastards, not the "SpLatlys!" 
Tsupii!

Wednesday, April 27, 2011

Grasang Holier than thou!

Anak ng powteks talaga 'tong mga Obispong ito. Akala mo kung sino! Sila na ang pinaka-magaling! Sila na ang palaging tama! Sila lang ang may alam sa kung ano talaga ang "TOTOO"... at kung magkamali kang kontrahin ang turo nila, yari ka! Buhay ka pa, itinatapon ka na nila sa Impyerno.


Haaays... Hindi na tuloy ako nagtataka kung bakit nung nangyari yung Spanish Civil War ay unang niyari ng mga Republikanong Kastila yung mga abusado nilang Kura Paroko.

[EXCERPT SA WIKIPEDIA LINK: An estimated 55,000 civilians died in Republican-held territories. The Republican government was anticlerical and supporters attacked and murdered Roman Catholic clergy in reaction to news of the military revolt. In Republican held territories, Roman Catholic churches, convents, monasteries, and cemeteries were desecrated. Through the war, nearly all segments of the Republicans, Basques being a notable exception, took part in semi-organized anti-Roman Catholic, anticlerical killing of 6,832 members of the Catholic clergy and religious orders (including 13 bishops, 4,172 priests, 2,364 monks and friars, and 283 nuns). By the end of the war 20 percent of the nation's clergy had been killed.]

Buti na lang at hindi tayo katulad ng mga Kastila.

Then again... I could be wrong.

Friday, April 15, 2011

Mikey Arroyo -- Gangsta-Grasa!

Ito ang nagpapatunay na ang pagka-Taong-Grasa ay hindi nakikita sa mga mukhang Taong-Grasa lang. Kahit yung mga "de Buena Familia" (or is it "Bini-buenas na Pamilya"?) ay pwede ring umasta na Gangsta-Grasa... na minsan nga, mas malupet pa sa original.

Tingnan niyo itong si Boss Mikey...

 'Alang katapat talaga pagdating sa yabang... sa pagsisinungaling... sa pagpapalusot... sa pagmamalinis... sa pangungurakot...

Well, pwera sa nanay at tatay, shempre. :-|

Friday, April 1, 2011

Kunsintidorang Ina -- Ugaling Taong-Grasa!

Nakaka-bilib talaga ang devotion na ipinapakita ng isang Ina sa kanyang anak. Truly it is one of the most beautiful phenomenon around.

PERO (shempre may "pero")... huwag naman yung sobra-sobrang devotion na parang bulag na sa katotohanan. Abuso na yon. Ugaling Taong-Grasa na yun! At para dun sa Nanay, she's already being remiss in her duty to guide her child towards the right path.

Example? MARLENE AGUILAR, ang windang na Nanay ni Jason Ivler.

'Nuff said.

Wednesday, March 2, 2011

Propesor na ugaling Taong-Grasa!

Biglang sumikat itong si Prof. Aguedo Jalin ng UST Department of Theology nang nabuking na inudyukan niyang mag-post ng Anti-RH comments ang mga estudyante niya sa apat na klase sa official facebook page ng Akbayan Party-list.

Ayon mismo sa mga estudyante (na pumiyok din sa huli), may "bonus points" daw na katumbas ang kanilang pagpo-post -- kaya pala lahat ng estudyanteng nag-post ay kumpleto ang pangalan, class number at section! Para nga naman print-page lang at submit... bonus grade agad!

Sigurista si Prof!

Pero heto ang malupit... ayon sa isang post ng isang former student niya (na hindi nagpakilala kasi takot kay Prof), dati daw ay binigyan niya ng assignment ang kanilang klase na maging "Taong-Grasa for a day," ostensibly para maramdaman ng mga estudyante kung ano ang pakiramdam ng maging isang Taong-Grasa.

Ang Galing Ano?!

Asteeg ka, Prof. Jalin!

I proclaim you Honorary Taong-Grasa par excellence :-)

Friday, February 25, 2011

Taong-Grasang Diktador

Naghuhumindig man ang iyong kapangyarihan...

Umaapaw man ang iyong impluwensiya...

Bumabaha man ang dami ng iyong mga alipores...

At pilit mo mang ikubli ang iyong tunay na pagkatao...

AALINGASAW at AALINGASAW pa din ang iyong likas na Pagkataong-Grasa!

Col. Muammar Qaddafi ng Libya. Da Ultimate Taong-Grasa.

Tuesday, January 25, 2011

Taong-Grasa man siya, Sossy pa din.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi iisa ang itsura ng mga Taong-Grasa. May ilan sa kanila (ilan lang naman) na may kakaibang "quirk", ika nga. Nagtataglay ng mga kaugalian at prinsipyo na sa unang tingin ay saliwa sa imahe natin ng isang Taong-Grasa.

Pero ano b'ang paki natin, di ba? Malaya silang gawin ang anumang gusto nilang gawin! Kaya nga Taong-Grasa eh.

Kaya huwag tayong mabibigla kung may makakatagpo tayong Taong-Grasa na gainfully employed... o isang successful na entrepreneur... o tapos sa kolehiyo... o nasa pulitika...

Basta. You get the point.

Siya kaya yung may-ari ng Blog na 'to? 
:-)

Wednesday, January 5, 2011

Taong-Grasa with the Golden Voice!


Moral of the Story? Kahit masira ng Droga at Alkohol ang buhay mo... gaganda naman ang Boses mo! :-)

NOTE: May happy ending na ang kwentong ito.