Wednesday, July 31, 2013

Grasang Scammer!

Huli na, nagma-matigas pa rin! Buking na, nagma-malinis pa rin! Itong Grasang Scammer na ito yata ang tinutukoy ni PNoy nang nagparinig ito sa kanyang SONA speech na "Saan Niyo Kinukuha yung Kapal ng Mukha Ninyo?!"


At hindi lang ang Ina ang makapal... minana din ng kanyang anak ang kanyang ugali! Ipinangangalandakan pa ng hitad ang nakaw na yaman nila sa Internet.


Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit hindi siniseryoso ng mga tao ang kahit anong "anti-corruption" na programa ng kahit aling administrasyon. 

HINDI KASI NAPAPARUSAHAN ANG MGA TAONG GANITO!

Friday, June 7, 2013

Grasang Survey. Anlabo.

OK. so marami-rami din ang bumoto sa pa-survey ko na 'to. Ang problema... di ko ma-gets kung ano ibig sabihin ng naging resulta. Ano ba kasi ang ibig sabihin ng "Magrasang Senatoriable"? 

At bakit sina Mitos at Migz ang nag-tie?

:-(


Tuesday, April 9, 2013

Grasang Kultistang Power-Broker Kuno!

Mukhang hindi na naka-tiis itong si Epal Evangelist na mukhang Gameshow Host na si Mike Velarde. Gusto nang umeksena sa pulitika. 'Di na nakuntento na may sarili silang Party-list, gusto bang magpayabang sa pamamagitan ng pag-endorso ng mga Senatorial Candidates na Anti-RH.

Halata namang na-inggit lang sa CBCP kasi laging nami-media ang mga mokong na 'yun gawa ng kanilang "Team Patay vs. Team Buhay" na kalokohan. Palibhasa, laging late-night TV na lang ang slot ng kanyang kulto.

O siya siya! Pagbigyan ang hilig!

Tingnan nga natin kung ilan sa mga Anti-RH na Senatoriables na ie-endorso niya ang lulusot sa taong-bayan. O baka naman segurista ka, Bradder? Yung mga Senatoriables na mataas na sa Survey lang ang ie-endorso mo at dedma na dun sa ibang kagaya mo na crackpot?!

Thursday, March 7, 2013

Grasang Imperyalisytang Ingles

Siya po! Siya ang may kasalanan kung bakit hindi matapos-tapos ang agawan sa Sabah ng Pilipinas at Malaysia.


Si Alfred Dent, ang nagtayo ng British North Borneo Company, na noo'y namamahala sa North Borneo nang ito'y bahagi pa ng kolonya ng Inglatera. Siya rin ang nagbuyo sa nakaupong Sultan ng Sulu, si Jamalul Kiram I, upang pumayag sa agreement na "ipa-upa" o "ipa-ubaya" (depende na kung sino ang tatanungin mo) ang nasabing teritoryo sa kanyang kumpanya.


Dahil sa Grasang paki-alamerong Ingles na ito, anlaking lupain tuloy ang nawala sa atin :-(


Ang dapat sayo lunurin sa isang drum ng Palm Oil, hetot ka!


Tuesday, January 22, 2013

Monday, January 7, 2013

Literal na Taong-Grasa.

Palagi na lang kasing hinahanapan kung ano ang mga pwedeng ibig sabihin kapag tinawag ang isang tao na "Taong-Grasa"... andyan yung siya'y gahaman, adik, manyak, makapal ang mukha, dorobo, epal, smuggler, pedophile, ipokrito, plunderer, mamamatay-tao, mamamatay-hayop, atbp.

Pero pwede namang literal, di ba?

Tulad niya... isang Happy na Taong-Grasa

Happy New Year y Muchas Grasas a todos!